
Binaha na may kasamang lahar ang ilang mga lugar mula sa bayan ng Guinobatan sa Albay, bunsod ng naranasang malakas na pag-ulan kahapon dahil sa habagat.
Ayon sa mga otoridad tinatayang nasa 1,300 na mga pamilya ang naapektuhan ng kalamidad doon.

Binigyang pagkilala ng Philippine National Police Regional Office 5 ang mga kawani ng kanilang hanay pati na ang mga stakeholders at pribadong sektor na nagiging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Kabilang sa binigyan ng natatanging pagkilala ang Members Church of God International o MCGI dahil sa suporta nito sa PNP para maabot ang pamayanan tungo sa hinihinging kapayapaan.