
Nagtaas na ng alerto ang Armed Forces of the Philippines bilang bahagi ng kanilang security protocol kaugnay sa idaraos na malawakang kilos protesta ng iba't ibang grupo sa darating na September 21.
Nilinaw naman ng AFP na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad ng bansa.

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na mananatili silang nakabantay sa Scarborough Shoal. Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng China na gagawin umano nila itong nature reserve.

Hindi lang sa kasalukuyang administrasyon nagsimula ang paghingi ng kickback sa mga proyekto ng gobyerno ng mga tauhan ng DPWH at ilang mga politiko kundi maging sa mga nakalipas na administrasyon.
Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego III, nagsusumbong umano sila sa gobyerno ngunit hindi ito inaaksyunan.

Dumating na sa bansa ang ikalawang Miguel Malvar-Class Frigate ng Philippine Navy na tatawaging BRP Diego Silang o FFG07.
Subalit dadaan pa ito, at kailangang pumasa sa technical assessment bago ang opisyal na pagtanggap at pag-commission ng barko.