
Aminado si House Deputy Speaker, Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno na isang hamon ang pagpapasa ng panukalang Constitutional Convention o ConCon para amyendahan ang saligang batas.
Subalit ayon sa kongresista, panahon na para i-update ang konstitusyon dahil ugat ng maraming sigalot ngayon ang mga salita sa saligang batas na malabo gaya ng ‘forthwith’.

Nagpahayag ang ilang kongresista na muling uungkatin ang isyu ng umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos i-archive ng Senado ang articles of impeachment laban sa bise presidente.

Patuloy na igigiit ang pananagutan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang commitment ng ilang House leaders matapos na i-archive ng Senado ang articles of impeachment laban sa bise presidente.

Susundin ng Kamara ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa tagapagsalita ng House Prosecution panel na si Atty. Antonio Bucoy, hindi magiging dahilan ng constitutional crisis ang Kamara.

Handa ang House Committee on Public Accounts na dinggin ang mga akusasyon laban sa mga mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.
Ngunit giit ng House panel Chairperson na si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, dapat pangalanan muna kung sinu-sino ang mga ito at makapaglabas ng ebidensiya kaugnay nito.