
Noong February 5, 2025, inaprubahan ng House of Representatives ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa mabibigat na alegasyon.
Ngunit noong July 25, 2025, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang reklamong impeachment.
Sa kasalukuyan, nakabinbin pa sa Supreme Court ang motion for reconsideration ng Kamara kaugnay ng naturang desisyon.

Tiniyak ni House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry RIdon na hindi tututok sa mga personalidad ang isasagawang imbestigasyon ng Kamara sa mga anomalya sa flood-control projects ng pamahalaan.
Oras na maaprubahan sa plenaryo ng Kamara, triple committees na binubuo ng Good Government, Public Works at Public Accounts panels ang magsasagawa ng legislative inquiry sa kontrobersyal na isyu.

Inumpisahan na ng Kamara ang deliberasyon sa 2026 proposed National Budget.Unang sumalang sa budget briefings ang mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee.

Kabilang sa tatalakayin ng mga kongresista sa deliberasyon ng panukalang pambansang pondo para sa 2026 ang zero allocation para sa 'Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program' o AKAP.
Ayon sa Department of Budget and Management, walang nakalaang pondo para sa AKAP sa susunod na taon dahil may natitira pang pondo para rito mula ngayong 2025.

Titiyakin ni Presidential son at House Majority Leader, Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na hindi ito papayag na ang maipapasang pambansang pondo para sa 2026 ay malayo sa bersyong isinumite ng administrasyon ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa nito ang pahayag matapos pormal na mai-turnover ng Department of Budget and Management sa Kamara ang 2026 national expenditure program.