
Itinuturing ni House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronnie Puno na inciting to sedition o pang-uudyok ng sedisyon ang ilang posts ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa kaniyang social media page kamakailan.
Plano na rin aniya nilang maghain ng ethics complaint laban kay Congressman Barzaga.

Lumagda sa manifesto of support para kay House Speaker Martin Romualdez kamakailan ang mga kinatawan sa Negros Island Region, maliban kay Negros Occidental 3rd District Rep. Javi Benitez.
Naniniwala naman si Ferrer na mayorya pa rin ng House members ang sumusuporta sa liderato ng Kamara.

Plano ng mga dating ka-partido ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na ireklamo ang kongresista dahil sa umano’y di akmang pag-uugali bilang mambabatas.
Kabilang na ang umano’y pang-uudyok ng sedisyon.

Handang makipagtulungan ang House of Representatives sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Kasunod ito ng pagtityak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang kikilingan sa gagawing imbestigasyon ang ICI sa mga maanomalyang flood control projects.

Iginagalang ni House Infrastructure Committee Co-Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser to the Independent Commission for Infrastructure o ICI.