
Ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagdinig sa panukalang pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ngayong araw.
Ngunit nagbigay umano ng katiyakan ang Bise Presidente na dadalo ito sa budget briefing na itinakda na sa September 16.

Sinampahan na ng reklamo ng Department of Education (DepEd) ang 7 private schools dahil sa ghost beneficiaries sa senior high school voucher program.
Samantala, nais makipagtulungan ng DepEd sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang classroom construction.

Naniniwala ang isang makabayan lawmaker na hindi sapat ang pagbibitiw sa pwesto ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan para tugunan ang katiwalian sa ahensya.
Samantala, iimbitahan pa rin si Bonoan sa pagdinig ng House Infra Committee.

Kinakailangan ng batas para mapalawig ang absentee voting at maisama ang senior citizens, persons with disability, at iba pang critical sectors ayon sa Commission on Elections.
Samantala, pinuna naman sa deliberasyon ng House Appropriations Committee ang zero budget para sa voter education ng Comelec sa 2026.
Napipisil umano para sa isa sa mataas na posisyon sa Kamara ang presidential son na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.Ayon sa isang kongresista, kwalipikado itong maging Majority Leader ng House of Representatives. Bukod sa pagiging tagapagsalita ng majority party, tungkulin ng Majority Leader na pangunahan ang mga deliberasyon sa plenaryo ng Kamara.