
Pinarangalan ng Department of Health Region III bilang Most Outstanding Non-Government Organization ang Members Church of God International sa Sandugo Award 2025.
Nangunguna ang MCGI sa lahat ng mga private sector sa Central Luzon, pagdating sa Regional voluntary blood donation drive ng mga NGO.

Pinangunahan ng Members Church of God International ang isang food-giving event para sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Bulacan.
Layunin nitong makadugtong sa ginagawang pagsaludar ng mga barangay sa kanilang mga constituents na nasa mga evacuation center.

Walong barangay sa Calumpit, Bulacan ang patuloy na lubog sa baha na lagpas-tao, sa kabila ng mga flood control project ng DPWH at lokal na pamahalaan.
Mahigit 2,000 pamilya ang nasa evacuation center, habang iginiit ng alkalde ang pangangailangan ng mega dike project para masolusyunan ang pagbaha.

Magbibigay ng karagdagang gamot ang Department of Health sa mga nagkakasakit sa mga evacuation center.
Samantala, binigyang-pagkilala ni Health Secretary Ted Herbosa ang sakripisyo ng nasawing barangay health worker matapos itong makuryente sa Meycauayan, Bulacan.

Lubog pa rin hanggang ngayon sa lagpas-tao na baha ang ilang lugar sa Central Luzon.
Ayon sa tala ng Office of Civil Defense Region 3, mahigit 61 munisipalidad at siyudad ang apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan.