
Iniutos na ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang lifetime blacklisting sa Wawao Builders at Syms Construction matapos masangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa ginawang inspeksiyon ng kalihim kanina sa Plaridel, Bulacan, nadiskubre niya ang isa nanamang proyekto na idineklarang tapos na, pero 3 linggo pa lamang nasisimulan.

Ininspeksyon ngayong araw ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang isang ghost flood control project sa Bulacan na nagkakahalaga ng halos isang daang milyong piso.
Sinasabing ini-report na ang proyekto na 100 percent nang tapos, subalit nadatnan ng DPWH na nakatengga pa rin ito.

Binigyang katuparan ng Members Church of God International ang hiling na medical at dental mission ng samahan ng mga may kapansanan sa bayan ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan.
Ipinagkaloob din ng MCGI ang hiling na wheelchair ng ilan sa ating mga kababayan na persons with disability o PWD.

Umakyat na sa higit 15,000 ang kaso ng dengue sa probinsya ng Bulacan kasunod ng naranasang malawakang pagbaha matapos ang mga nagdaang bagyo.
Ayon sa Bulacan Public Health Office, mahigit 200% itong mas mataas kumpara sa kaso ng dengue sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Matapos matuklasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon ang isang ghost river wall project sa Baliwag, Bulacan, naglabas ng pahayag ang pamahalaang lungsod ng Baliwag at nilinaw na hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang naturang proyekto.