
Tatlong araw pa lang mula nang ilunsad ang Sumbong sa Pangulo website ngunit nakatanggap na ito ng higit isang libong ulat kaugnay sa pagpapatupad ng mga flood control projects.
Samantala, isinantabi ng Malacañang ang panukala ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magtalaga ng lead investigator para sa imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa mga proyektong ito.

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Judiciary Fiscal Autonomy Act.
Sa pamamagitan ng bagong batas, mabibigyan ng kapangyarihan ang Korte Suprema na magsumite ng orihinal na budget proposal nito direkta sa Kongreso.

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng patuloy na tulong sa mga lokal na mangingisda.
Partikular na rito ang pagtatayo ng mga imprastraktura na kanilang mapapakinabangan.

Hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi naipapasara ang lahat ng iligal na online gambling sites sa bansa.
Nangako rin ang Department of Information and Communications Technology o DICT na patuloy na babantayan ang operasyon ng mga ito.
Ayon naman sa Malacañang, pupulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga stakeholder ukol sa ipinapanawagang total ban sa online gambling.

Sa gitna ng ginagawang imbestigasyon sa mga flood control projects ng pamahalaan, nanawagan ang Malakanyang sa mga lokal na opisyal na idirekta na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusumbong kung may nalalamang anomalya sa nasabing mga proyekto.