
Hindi bababa sa 18 ang nasawi at mahigit animnapu ang sugatan sa dalawang magkasunod na pag-atake sa Colombia.
Sa Cali, Colombia, anim ang namatay sa pagsabog ng car bomb malapit sa Marco Fidel Suárez Air Base.

Pinawalang-sala ng Korte sa Bangkok si dating Prime Minister Thaksin Shinawatra sa kasong Lèse Majesté o krimen laban sa Royal Family, kaugnay ng isang panayam sa kaniya sa South Korea sampung taon na ang nakalipas.
Giit ng Hukuman, kulang ang ebidensya para kasuhan ang dating Punong Ministro.

Isang gunman ang naghasik ng karahasan sa Lexington, Kentucky nitong Linggo kung saan binaril nito ang isang state trooper at pagkatapos ay namaril din sa loob ng isang simbahan.
Ikinasawi ang insidente ng dalawa habang dalawa pa ang nagtamo ng sugat.

Huminto ang buong Taipei sa gitna ng pinakamalaking military at civil defense exercises bilang paghahanda sa posibleng pananakop ng China.
Kasabay ng Han Kuang war games, isinagawa rin ang air raid sirens, mass evacuation drills, at urban warfare exercises.
Huminto ang buong Taipei sa gitna ng pinakamalaking military at civil defense exercises bilang paghahanda sa posibleng pananakop ng China. Kasabay ng Han Kuang war games, isinagawa rin ang air raid sirens, mass evacuation drills, at urban warfare exercises.