
May makatuwirang batayan upang ituring na genocide ang mga isinagawang hakbang ng Israel laban sa mga Palestino sa Gaza mula nang magsimula ang digmaan kontra Hamas noong 2023.
Ayon sa ulat ng United Nations Commission of Inquiry, apat sa limang aktong itinuturing na genocide sa ilalim ng pandaigdigang batas ang nangyari sa Gaza.

Nagulat ang publiko sa biglaang pag-alis ni dating Thailand Prime Minister Thaksin Shinawatra, ilang araw bago ang nakatakdang desisyon ng Korte Suprema na maaaring humantong sa kanyang muling pagkakakulong.
Sa isang social media post nitong Biyernes, sinabi ni Thaksin na ang kanyang biyahe ay para sa “health check-up” sa Singapore.

Mariing tinutulan ni Russian President Vladimir Putin ang panukala ng ilang western countries na magpadala ng tinatawag na “reassurance force” sa Ukraine matapos ang anumang ceasefire.
Ang panukala ay inihain sa Paris Summit na layong maglatag ng konkretong plano para sa mga garantiya sa seguridad sa Kyiv.

Umaasa ang Office of the Vice President o OVP na mananatili ang panukalang P903-M budget para sa taong 2026.
Ayon kay OVP Spokesperson Ruth Castelo, humiling ang kanilang tanggapan ng karagdagang P150-M para sa susunod na taon, ngunit P70-M lamang ang isinama sa National Expenditure Program para sa 2026.

Bukas ang Office of the Vice President o OVP sa anumang pagsusuri ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng paggamit ng kanilang nakaraang mga pondo.
Sinabi ni OVP Spokesperson Ruth Castelo na handa ang kanilang tanggapan na ipakita ang mga dokumento ng pananalapi sa sinumang ahensyang nais magsagawa ng imbestigasyon.