
Walang pinipili ang sakuna – kahit sa larangan ng sports.
Isang binata ang na-injure sa balikat habang naglalaro ng basketball. Napag-alaman ng UNTV News and Rescue na dati na rin siyang nagka-shoulder dislocation mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Isang lalaki na bibili lang sana ng pansit ang nabundol ng motorsiklo sa Malabon City noong hapon ng June 29. Sakto namang napadaan ang UNTV News and Rescue sa lugar kaya’t agad siyang naisugod sa ospital.

Ramdam na sa Cagayan ang hangin at ulan na dala ng bagyong Crising.
Sa lalawigang ito posibleng mag-landfall o tumama ang sentro ng bagyo.