
Huli sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang pinaghihinalaang gun runner sa Sto. Tomas, Batangas.
Ang suspek ay nagbebenta umano ng mga high-caliber firearms na walang kaukulang lisensya.

Inilipat sa Mindanao si Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang bagong director ng Area Police Command—Western Mindanao.
Sa panibagong reshuffle na ipinatupad ng Philippine National Police, Si Lt. Gen. Bernard Banac ang ipinalit bilang 2nd in command sa PNP.

Tukoy na ng Philippine National Police ang suspek sa pamamaril sa Intelligence Officer ng Highway Patrol Group Region 4-A.
Stable na ang kalagayan ng biktimang pulis sa ospital matapos magtamo ng 9 na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ikino-konsidera na ng Philippine National Police ang pagbili ng mga non-lethal weapons para sa mga pulis.
Ito ay matapos na mabaril ng pulis ang isang suspek na nag-aamok sa Pavia, Iloilo.

Pinag-aaralan na ng Metro Manila Council na ipagbawal ang pagpaparada ng sasakyan maging sa mga inner streets sa Metro Manila.
Layunin nitong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.