
Bibigyan ni United States President Donald Trump ng Presidential Medal of Freedom ang kilalang youth conservative influencer na si Charlie Kirk, na binaril sa Utah Valley University.

Plano ng administrasyong Trump na magbigay ng dagdag na $250 million US dollar sa Pilipinas upang labanan ang tuberculosis, maternal health, at harapin ang mga bagong sakit, ayon kay US Secretary of State Marco Rubio.

Nagbabala ang US Embassy sa Pilipinas na mag-ingat sa mga mapanlinlang na email at mensahe na isine-send sa mga visa applicants.
Ayon sa Embahada ng Estados Unidos, nagpapakilala ang mga scammer bilang mga empleyado ng US government para manghingi ng pera sa mga aplikante.

Nakauwi na sa bansa kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kaniyang tatlong araw na state visit sa Cambodia.
Ayon sa Pangulo, naging produktibo ang kaniyang pagbisita sa Phnom Penh, kung saan nakapulong niya ang mga matataas na opisyal ng Cambodia at mga business leaders.

Tinawag na fake news ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante ang alegasyon ni acting Davao City Mayor Baste Duterte kaugnay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni House Speaker Martin Romualdez.
Hinamon ni Mayor Baste ang House Committee on Appropriations na imbestigahan ang SALN ni Romualdez, na lumobo umano mula ₱200 milyon noong 2022 sa ₱3 bilyon sa kasalukuyan.