
Hindi inaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na itaas sa Signal No. 4 ang Bagyong Emong kapag mag-landfall ito sa La Union o Ilocos Sur bukas. Gayunman, inaasahang hihina na ang bagyo sa araw ng Sabado.

Titiyakin ni Department of Transportation Sec. Vince Dizon na hindi magdudulot ng pagbaha ang mga flagship infrastructure project ng gobyerno.
Sinabihan na aniya ‘nya ang mga contractor na hindi dapat nagdudulot ng problema lalo na ngayong tag-ulan ang mga government projects.

Bago tuluyang bumaba sa pwesto, tiniyak ni outgoing ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na magpapatuloy ang operasyon ng komisyon.
May ilan din siyang bilin sa susunod na liderato ng ahensya, kabilang ang posibilidad ng mas abot-kayang singil sa kuryente.

Tinapos ng Executive Branch ang winning momentum ng SSS Pension Boosters sa pagpapatuloy ng UNTV Cup Executive Face Off 2025.
Itinumba naman ng AFP Cavaliers ang DOJ Beacons, habang kinapos ang Senate Sentinels laban sa PNP Responders para sana makapasok sa win column.