
Matinding injury ang tinamo ng isang motorcycle rider matapos itong magulungan ng isang closed van sa Quezon City.
Sa tindi ng impact ng aksidente, parehong naapektuhan ang dalawang paa ng biktima.
Agad namang rumesponde ang UNTV News and Rescue team at dinala ang biktima sa ospital.

Naka-deploy ang buong pwersa ng UNTV News and Rescue sa iba't ibang lugar sa bansa.
Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga Disaster Risk Reduction and Management Offices para magsilbing augmentation team.