
Sinubaybayan at pinadalhan ng babala ng militar ng China ang mga barkong pandigma ng Canada at Australia habang dumaraan ang mga ito sa Taiwan Strait.
Ayon sa kanila, ito ay isang probokasyon na nagpapalala sa tensyon at nagdudulot ng panganib sa seguridad ng rehiyon.

Bumisita si Canadian Prime Minister Mark Carney sa Ukraine kung saan kanyang binigyang-diin ang posibilidad ng pagpapadala ng international peacekeepers upang magbigay ng karagdagang seguridad sa bansa.