
Muling hinimok ng Malacañang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ilahad ang kanyang nalalaman sa umano’y anomalya sa mga ipinapatupad na proyekto ng pamahalaan.
Ayon sa Palasyo, ito sana ay maisumite agad sa Pangulo kung kumpleto na.
Tugon naman ng alkalde, kinukumpleto na niya ang kanyang mga impormasyon at personal na ibibigay sa Pangulo sa lalong madaling panahon.

Isinailalim na sa watchlist ng Land Transportation Office ang SUV na nag-counterflow sa Skyway nitong Sabado.
Ngayong araw sana ay may pagkakataon ang ang driver ng nasabing sasakyan na magpaliwanag sa nangyari ngunit hindi ito sumipot sa pagdinig ng LTO.

Naka-alerto na ang mga ospital ng Department of Health para sa mabilis na pagtugon sa mga kaso ng leptospirosis.
Mahigpit ding binabantayan sa NKTI ang 63 pasyenteng may severe symptoms ng naturang sakit.

Maaaring magsampa ng impeachment complaint ang mamamayan laban sa mga miyembro ng Supreme Court.
Ito ang inihayag ng dating kongresista na si Lorenzo Erin Tañada III, na ngayon ay acting president ng Liberal Party sa gitna ng pagkadismaya ng publiko sa naging desisyon ng SC sa impeachment vs VP Sara.

Tila nanghihinayang pa si Vice President Sara Duterte sa pagkaka-archive ng reklamong impeachment laban sa kanya sa Senado.
Gayunman, ayon sa Pangalawang Pangulo, patuloy silang naghahanda sa mga susunod na reklamong posibleng ihain muli laban sa kanya.