
Mas malalim na imbestigasyon ang dapat gawin ng kasalukuyang administrasyon kapag ito ay nag-lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, hindi lang flood control projects ang dapat busisiin kundi ang buong budget ng bansa.

Sinang-ayunan ni Vice President Sara Duterte ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Pangalawang Pangulo dapat lang din talagang maimbestigahan ang umano’y anomalya sa flood control projects.

Dumalo sa pagdinig kahapon ng Committee on Public Order and Safety ang ilang opisyal ng National Police Commission o NAPOLCOM.
Dito inilatag nila ang kanilang programa, plano at legislative priorities kabilang na ang kaugnay ng pag-iimbestiga sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Dumalo sa pagdinig ng Kamara ang mga opisyal ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Police (PNP).
Sa nasabing pagdinig, hindi naiwasang mabanggit ang biglaang pagpapalit sa pamunuan ng pambansang pulisya.

Isang hamon ngayon sa lungsod ng Maynila ang pamamahala sa mga basura matapos ang pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, naghahanda na ang pamahalaang lungsod para sa posibleng krisis sa sanitasyon.