
Nagdeklara ang Portugal ng pambansang pagluluksa matapos ang isang trahedya na ikinasawi ng nasa 17 pasahero ng isang 140-taong gulang na tram train na tinatawag na ‘Gloria Funicular’ sa siyudad ng Lisbon.
May ilang dayuhang nasawi sa insidente, ngunit hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang nasa 300 security staff ng Houses of Parliament ng United Kingdom.
Ito’y kaugnay sa mga pagbabagong ipinatutupad ng kanilang mga employer hinggil sa pasahod at kondisyon sa kanilang trabaho.

Pinuna ng National Union of Journalists of the Philippines si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez kasunod ng social media post nito.
Ayon sa organisasyon, posibleng may paglabag ang kongresista sa Data Privacy Law at naglalagay sa panganib sa mga kawani ng media.