
Naghain ng multiple criminal charges si Davao City Acting Mayor Baste Duterte sa Ombudsman Mindanao laban sa ilang government officials.
Ang mga kasong ito ay kaugnay sa umano’y ilegal na pag-aresto o pag-surrender kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC noong March 11, 2025.

Naglabas ng saloobin si Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte sa paglilihis umano ng usapan sa House probe kaugnay sa maanomalyang flood control project sa bansa.

Isa sa mga suliranin sa Davao Region ang pagbaha tuwing may malakas at walang tigil na ulan.
Ayon sa DPWH Region 11, animnapu’t anim na proyekto ang nakatakdang ipatupad sa Davao Region sa susunod na taon upang mabawasan ang matinding epekto ng pagbaha na patuloy na nagdudulot ng panganib sa mga residente sa rehiyon.
Muling aarangkada ang iconic na "Love Bus" sa ilang ruta sa Cebu at Davao City, matapos itong opisyal na ilunsad ngayong araw ng Department of Transportation.
Nauna nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang nakaraang State of the Nation Address ang muling pagbuhay sa biyahe ng Love Bus.

Inaasahan na ang pag-arangkada ng sampung modern city buses sa Davao City upang matugunan ang problema sa trapiko sa lungsod.
Bukod dito, inaasahan ding makapaghahatid ito ng mas komportableng biyahe sa mga pasahero.