
Nararanasan ngayong tag-init sa Europa ang mga heatwave na nagiging sanhi ng wildfires.
Kaya’t kung nagbabalak na bumisita sa mga lugar na madalas tamaan ng wildfires, kinakailangan ang ibayong pag-iingat.

Inaresto ang isang miyembro ng parliamento ng Ukraine at ilang mga opisyales dahil sa nabunyag na malawakang suhulan sa pagbili ng drone at mga elektronikong kagamitang pandigma.
Ayon kay Ukrainian Pres. Volodymyr Zelenskyy, zero tolerance ang korapsyon sa Ukraine at pinasalamatan ang mga ahensya dahil sa kanilang ginawa.