
Sinimulan ngayong araw ang pagdinig sa Senado sa proposed 2026 National Budget. Ayon sa isang senador, titiyakin nilang magiging maayos at mapapakinabangan ng taumbayan ang pondong ito.

Sinimulan na ng Senado ang imbestigasyon sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sa pagdinig ngayong araw, naungkat ang ilang pagbabago na ginawa sa 2025 national budget.
Ayon kay Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, hindi lahat ng pagbabago sa National Expenditure Program (NEP) papuntang General Appropriations Bill ay pwedeng isapubliko.

Sa pag-iinspeksyong ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, natuklasan nilang 7 sa 15 kontratistang tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay may flood control project sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ipapasa nila sa Pangulo ang mga nalaman nilang impormasyon upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan.

Sa tuluyang pagsasara ng Navotas landfill na pangunahing tambakan ng mga basura sa Metro Manila, tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority na hindi ito magdudulot ng solid waste crisis sa Kalakhang Maynila.

Hindi umano naabisuhan ang Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, Rizal patungkol sa inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na pagre-redirect ng lungsod sa pagtatapon ng mga solid waste sa New San Mateo Sanitary Landfill.
Ito’y matapos magsara ang Navotas Landfill na dating tapunan ng basura ng Maynila.