
Muling nagdaos ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng mga militanteng grupo sa labas ng compound ng mga Discaya sa Pasig City.
Mayroon na ring ilang miyembro ng pulisya para magbantay at maiwasan na maulit ang gulo na nangyari kahapon.

Sa paglusob na nangyari kahapon sa establisyemento ng mga Discaya, inaasahan na ng kampo nito na magtutuloy-tuloy na ang ganitong mga demonstrasyon.
Samantala, hindi naman sinagot ng abogado ng mga ito kung nasaan ngayon sina Sarah at Curlee Discaya.

Planong maghain ng kaukulang kaso ang kampo ng mga Discaya matapos sugurin ng mga raliyista ang opisina ng mga ito kaninang umaga.
Nais rin anila nilang humingi ng proteksyon mula sa PNP dahil sa pangyayari.

Nanawagan ang legal counsel ng mga Discaya na huwag idamay ang mga anak ng mga ito sa kasalukuyang kontrobersiyang bumabalot sa kanilang pamilya kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa.
Samantala, pinasinungalingan rin ng abogado ng mga ito na may koneksyon si dating DPWH Secretary Bonoan at Sarah Discaya.

Naninidigan ang kampo ng mga Discaya na hindi sila lalabas ng bansa upang magtago sa mga otoridad.
Samantala, iginiit din ng abogado ng mga ito na dapat dumaan sa due process ang pagkansela sa lisensiya ng mga construction companies ng mag-asawa.