
Naniniwala ang isang International Affairs Analyst na malinaw na pagpapahayag ng territorial claim ang plano ng China na gawing natural nature reserve ang Bajo de Masinloc.
Bunsod nito, planong maghain ng Pilipinas ng diplomatic protest sa China bilang pagkondena sa naturang plano.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Isa sa binigyang-diin ng pangulo ay ang alyansa ng dalawang bansa pagdating sa maritime cooperation.

Sa pagdinig ng pondo ng Department of Budget and Management o DBM sa Senado ngayong araw, iginiit ng ilang senador na ayusin ng DBM ang kanilang pagma-manage ng mga pondo sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa mga senador, ito'y upang mapigilan ang korapsyon sa iba't ibang ahensya.

Dismayado ang mga biktima ng war on drugs dahil sa pagpapaliban ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pagdinig ay nakatakda sana sa darating na September 23.

Postponed ang confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
Ayon sa ICC, alinsunod ito sa hiling ng kampo ng dating pangulo na indefinite adjournment dahil hindi umano kayang humarap ni FPRRD sa paglilitis.