
Sa pagdinig na isinagawa kanina para sa pondo ng Judiciary ng Pilipinas, isa sa naungkat ay ang papel ng Hudikatura sa kasalukuyang mga imbestigasyon sa ghost flood control projects sa bansa.
Pero ayon sa isang opisyal ng Hudikatura, papasyahan lamang nila ang mga kasong ihahain sa mga hukuman.

Pinamamadali ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa hudikatura ang pagresolba sa mga kaso na may kinalaman sa graft and corruption.
Isa ito sa mga naungkat sa pagdinig sa kanilang proposed budget para sa susunod na taon.

Nais ilipat ni PBBM sa ibang sektor ang pondong nakalaan sa flood control projects.
Naglabas ang Pangulo ng kanyang bersyon ng menu kung saan pupwedeng ilagay ang hindi pa nagagamit na pondo.

Suportado ni PBBM ang mga nangyayari ngayong kilos-protesta laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno.
Ito'y kasunod ng patuloy na paglabas ng mga impormasyon tungkol sa mga diumano'y ma-anomalyang flood control projects sa bansa.

Kumpleto na ang Independent Commission for Infrastructure na mag-iimbestiga sa mga umanoy anomalya sa flood control projects sa bansa.
Kanina, pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. si former Supreme Court Associate Justice Andres B. Reyes Jr. bilang mamumuno sa komisyon.