Back

Dante Amento

1:54
Politics

Pagkuha ng permit sa SONA rally, hindi dapat sapilitan – BAYAN

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Iginiit ng grupong BAYAN na hindi dapat gawing requirement ang pagkuha ng permit para sa mga kilos-protesta sa araw ng State of the Nation Address ng Pangulo sa darating na Lunes. Ayon sa grupo, ang karapatang magpahayag at magtipon ay hindi dapat nakatali sa anumang pahintulot mula sa pamahalaan.

Ibinunyag din ng BAYAN na inihahanda na nila ang kanilang BBM o "Bongbong Mambubudol" effigy na ilalabas sa tinaguriang People’s SONA bilang simbolo ng kanilang panawagan at pagtuligsa sa mga isyung kinahaharap ng bansa.

5:13
Weather & Environment

Ayudang pinansyal at pagkain, kailangan ng mga evacuee sa Maynila

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Ilang araw nang nananatili sa evacuation centers ang mahigit 300 pamilya sa lungsod ng Maynila na lumikas dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at baha.

Bagamat nakatanggap na sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan at ilang non-governmental organizations, umaapela pa rin sila ng karagdagang ayuda tulad ng pinansyal, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.

2:02
No items found.

Affidavit ni alyas Totoy, pinoproseso na para isusumite sa DOJ

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Pinoproseso na ang sinumpaang salaysay ni Julie Patidongan, alyas Totoy, na balak isumite sa Department of Justice. Kahapon, nagtungo siya sa DOJ at kinausap ng mga opisyal ng kagawaran.

4:20
No items found.

Isyu ng tanim-buto sa Taal Lake, kalokohan – Sec. Remulla

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Tinawag na kalokohan ni Department of Justice o DOJ Secretary Crispin Remulla ang mga kumakalat na sabi-sabi hinggil sa tanim-buto o sadyang paglalagay umano ng mga buto malapit sa Taal Lake.

Samantala, naniniwala rin ang kalihim na may kaugnayan ang kaso ng pagpatay sa war on drugs sa e-sabong.

3:40
No items found.

Bagong narekober na buto, positibong indikasyon sa pahayag ni alyas Totoy – DOJ

August 14, 2025 8:28 PM
PST

Positibong indikasyon umano ng katotohanan sa mga isiniwalat ni alyas Totoy ang bagong narekober na mga buto ng Philippine Coast Guard divers sa Taal Lake.

Ayon sa Department of Justice, natagpuan ang mga ito sa eksaktong lugar na itinuro ng mga informant.