
Plano ni Defense Sec. Gilbert Teodoro ang pagsasagawa ng isang komprehensibong programa na layong unti-unting tugunan ang mga kakulangan sa sektor ng depensa.
Kabilang dito ang kakulangan sa mga tropa, pasilidad, strategic command, at civilian human resource component.

Dalawang indibidwal ang nasawi habang isa ang nasa pagamutan matapos masangkot sa isang road accident sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kahapon.

Tiniyak ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center o PJGMRMC sa Cabanatuan City na mapagkakalooban ng libreng serbisyong medikal ang grade 8 student na naging biktima ng pamamaril sa loob ng Sta. Rosa Integrated School sa Nueva Ecija noong Huwebes, August 7.

Muling nagpaalala ang Philippine National Police sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak lalo na kung may mga pinagdadaanan itong suliranin sa buhay.
Kaugnay ito sa nangyaring pamamaril ng isang Grade 10 student sa isang Grade 8 student sa Nueva Ecija.