
Inilabas na ng Malacañang kahapon ang listahan ng mga regular holiday at special non-working day para sa taong 2026.

Ipinagbabawal sa Camp Crame ang pagpa-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada sa Officers’ Row o quarters na inookupa ng mga opisyal sa loob ng kampo.
Inilabas ang kautusan matapos matagpuan noong Agosto 6 sa quarters ng isang opisyal ang isang sasakyang umano’y hinihinalang biktima ng “rent tangay” at sangkot sa kidnapping ng tatlong Chinese national at isang Pilipina.

Mayroong nasa halos isang daang kumpanya na may hawak ng 315 flood control projects sa Maynila ang hindi nagbayad ng tamang buwis.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang aniya rito ang St. Timothy Construction Corporation at iba pang kumpanya ng pamilya Discaya.

Kinumpirma ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na nasa Amerika ngayon si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co para sa medical treatment at may kaukulang dokumento ito.

Mamayang alas nuwebe ng umaga, nakatakdang humarap sa Committee on Appropriations ang Department of Public Works and Highways o DPWH.