
Kinumpirma ng ilang senador na tuloy ang botohan bukas sa kabila ng hiling na hintayin ang aksyon ng Korte Suprema sa motion for reconsideration laban sa desisyong nagbasura sa impeachment case.

Isang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Senado laban sa malisyosyong paggamit ng Artificial Intelligence.
Batay sa Senate Bill na inihain ni Senate President Francis Escudero, papatawan ng parusa ang mga umaabuso sa paggamit ng AI

Kumpyansa si Senador Sherwin Gatchalian na mas mapapabilis na ang pagresolba sa 2026 budget para sa Office of the Vice President.
Ito ay dahil lilimitahan na lang din ang confidential funds sa intelligence at law enforcement agencies.

Ipinapanukala ni Senator Sherwin Gatchalian na gawing available sa publiko ang detalye ng panukalang 2026 national budget.
Ayon sa senador, layon nito na gawing transparent sa publiko ang gagawing pagbusisi sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Susundin pa rin ng Senado ang Korte Suprema sakaling katigan ang ihahaing Motion for Reconsideration ng Kamara sa desisyon nito sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon kay Senate President Chiz Escudero, tuloy na ang kanilang botohan sa August 6 upang pagpasyahan kung idi-dismiss na ba o hindi ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.