Back

Annie Rentoy

1:23
Politics

Kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda, pagtatayo ng military zone pinangangambahan sa Scarborough

September 16, 2025 10:16 AM
PST

Posibleng mawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, ayon sa National Maritime Council o NMC.

Kasunod ito ng plano ng China na gawing Huangyan Island National Nature Reserve ang naturang bahura.

2:03
Politics

SP Sotto, no comment aniya sa isyu ng panibagong pagpapalit ng liderato sa Senado

September 16, 2025 10:15 AM
PST

No comment si Senate President Vicente Sotto III sa isyu ng umano’y panibagong pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ito ay matapos kumalat sa social media na may isa pang kudeta sa Senado kung saan nakakuha na umano ng bilang si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para maging Senate President.

0:43
Politics

Batas na magbabawal sa mga kaanak ng public officials na makakuha ng gov’t contracts, inihain

September 16, 2025 10:06 AM
PST

Inihain ni presidential son, House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, ang House Bill No. 3661.

Layon ng panukalang batas na i-disqualify ang mga kaanak ng public officials hanggang fourth civil degree of consanguinity or affinity na makapasok sa mga kontrata sa gobyerno.

1:21
Politics

Pagdinig ng House Infra Comm, tuloy pa rin kahit may ICI na — Rep. Ridon

September 16, 2025 10:04 AM
PST

Magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng joint House panels kaugnay ng flood control projects, ayon kay House Infrastructure Committee o Infra Comm Co-Chairperson at Ako Bicol Party-list Rep. Terry Ridon.

Ito’y sa kabila na nabuo na ng administrasyon ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na layong panagutin ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.

1:47
Politics

Pondong dating nakalaan sa flood control, ililipat sa ibang proyekto batay sa "menu" ni PBBM

September 16, 2025 10:01 AM
PST

Kanselado na ang panukalang pondo ng mga flood control project ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa taong 2026.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaasahang mare-realign nito ang alokasyon ng mga flood control projects.