Binawasan na ng nasa 50 porsyento ang overnight parking fee para sa mga verified traveler sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Para sa mga motorsiklo, nasa P240 na lang ang bayad mula sa dating P480.
Sa mga kotse naman, P600 na lang ang babayaran mula sa dating P1,200, habang sa mga bus ay P1,200 na lang mula sa dating P2,400 na overnight parking fee.
Ayon sa NNIC, natapos na nila ang upgrade sa parking system kung kaya binabaan na nila ang bayad para sa overnight parking.
Para ma-avail ito, ipakita lamang ang ticket and boarding pass sa validation counter.—mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Benedict Samson)